Saturday 1 March 2014

jameson

Noong una pa lamang aking sinta,

Sa iyong ganda’y nabighani muna,

Sa tuwing ika’y ngingiti,

Puso ko din napapangiti,

Dahil sa mata mo na chinita,

Pagmamahal ko sa iyo di maipinta.

Ngunit hanggang ngayong aking mahal,

Ikaw pa din aking ipinagdadasal,

Na makasama ko habang buhay,

Mahalin lamang ako at bigyan ng buhay,

Itong puso kong patay na patay,

Sa iyo’y nawalan ako ng malay,

Kung hindi man umabot tayo sa puntong pagmamahalan,

Laman ng puso ko sayo’y di pakakawalan,

Sapagkat pangako ko sa may kapal na ikaw lamang and laman,

Ang babaeng aking pakakasalan,

Isisigaw pangalan mo sa simbahan,

Sa harap ng altar ng diyos at sasabihing ikaw lamang mamahalin magpakailan pa man,

Ang tulang iyo’y para sa iyo,

Sana naman mahal marinig mo,

Matagal ko ng gustong ipahatid,

Pag-ibig ko sa iyo, walang batid,

Sana pagkatapos nito,

Masabi mo sa akin na mahal mo rin ako.

No comments:

Post a Comment