Tuesday 4 March 2014

Pakinggan Mo By: Jose Marco B. de Castro



I

Ng ika’y masilayan,

Di na nalimutan.

Ang mukha mong bilugan,

Kasing lapad ng pinggan.

II

Ang katawan ay di kagandahan,

Hindi rin naman kalapadan.

Ang ngiti mong kay lambing,

Ay tila nakakalasing.

III

Ang mga katangiang ito,

Ang nagustuhan ko sayo.

Ang kinahuhumalingan,

Sana nama’y makamtan

IV

Bigyan ako ng pagkakataon

Na ito’y masabi sa iyo

Na tayo’y maging magkarelasyon

Dahil ako ay may gusto sa yo

No comments:

Post a Comment