Sunday 2 March 2014

life

ang buhay ay ano, mahalagang salita
silang naniningning sa bawat pusot diwa
mahirap harapin at mahirap makita
ang totoong kahulugan at totoong adhika

paghubog sa kakayahan
nagsisimula sa tahanan
mga magulang ang magtuturo ng tamang daan
daan tungo sa kaunlaran

sa taong mabuti at marangal ang budhi
malinis na hangin ang laging dumadampi
dapatwat kapag mayroong pagkakamali
dapat itong itama para di magsisi

ang buhay talga
para ditong barahang binabasa
minsan iiyak, minsan tatawa
minsan tama minsan mali ka

ang halamang bagong sibol kung mapapansin
dagling nalalanta kung di didiligin
tulad ng pagibig na di napapnsin
nakatanim man sa puso'y malalanta din

bahay mong malaki pagang may ari ay madamot
mabuti pa ang kubo at bukas sa kumakatok
anumang buti kung may halong iyamot
mawawala ang bango at magiging mabantot

habang maaga pa ay atin nang pigilan
masasamang kaugaliang ating nakasanayan
gawin ang buhay na makabuluihan
at dito mararamdaman ang tunay na kasiyahan

talga ngang ang buhay ay tulad kawayan
dalhin man ng baha ay walang kamatayan
at doon sa huli nitong hinantungan
sisibol muli ang bagong kalingan

dapat nating maalala
habang tayo ay buhay pa
isang beses lang tayo mabubuhay sabi ng ama
kaya dapat mabuhay ng masaya

sapagkat ang buhay ay parANG  kawikaan
sayo at sa akin iba ang kahulugan
pagnilayan ngayon at pagsikapan
bago pa mawalan ng lubusan

No comments:

Post a Comment