Wednesday 19 February 2014

Basilio

Basilio

Ako’y anak ng namayapang si Sisa
Nabuhay sa bayan na puno ng kaba.
Takot, pasakit ang aking naranasan
Sa mga taong aking pinagaalayan.

Laging sumasagi sa aking isipan
Nagsisisi kung bakit siya’y iniwan.
Kapatid kong sa kumbento ay humimlay,
Sa mga prayle na walang awang pumatay!

Habang tinatahak ko ang kadiliman
Na sa akin ay lugmok na kapaitan
Bumalik ang masakit na ala-ala
May unos ng nakita sa aking mata.

Oh! Aking ina, maibalik ko sana
Ang mga panahon na tayo’y magkasama
Nangungulila sa iyong pagkawala
Pumatak ang luha ng pagkadakila!

Dahil sa dugo ko ikaw ay nabaliw
Dahil din sa akin bumalik ka giliw
Ngunit huli na, upang ako’y manabik
Sa aking ina na labis ang pag-ibig.

Sa liwanag na dala ng mga bituwin
Nakita ang lalaking tumulong sa’kin
Upang ang aking ina ay mailibing
Sa Pasko nilang buhay, patay na sa’kin.


No comments:

Post a Comment