Thursday 27 February 2014

colin

Bakit nga ba kaylapit ng Sabado sa Lunes,

Samantalang kaylayo ng Lunes sa Sabado?

Isa sa mga paborito kong katanungan,

Noon habang ako'y nasa mataas na paaralan.



Bakit kay taas ng kanilang panuntunan,

Na isang estudyante ay may siyam na asignaturang dapat matutunan,

Samantalang ang isang guro?

Pinakamadami na ang tatlong asignatura na kaya nyang panghawakan.



Alas-syete ng umaga ng pasok na pagod paguwe,

Tambak na takdang aralin na bukas dapat ipasa,

Sa liwanag puro pagiisip, pagsusulat, at pagbabasa,

Hindi ba pwedeng sa gabi at paguwe puro na pahinga?



Ilan lang 'yan sa mga katanungan noon saisipko,

Maaaring lahat ay negatibo,

Dahil kung isasalaysay ko ang alaalang magaganda,

Ang tulang ito'y magiging napakahaba,

Dahil sa Highschool kame naging pinakamasaya.

No comments:

Post a Comment