Tuesday 25 February 2014

El Polἰtica Original Composition by Louis Daniel Plata

El Polἰtica

Original Composition by Louis Daniel Plata

Isang bansang kulang sa bigas,

Sandamakmak ang mandurugas.

Lugar kung saan nsa impyerno ang mga tao,

Halika! Alamin natin ang pinagmulan nito.

Nagmula kay Aguinaldo hanggang kay Aquino,

Nagsimulang maghari ang mga korapt na pulitiko.

Perang sana’y sa mga tao,

Pork Barrel Scam sa Senado.

Isang bansang puno ng karahasan,

Digmaan sa kaliwa’t kanan.

Kahirapan ay laganap na,

Trabaho’y ‘sang kahig ‘sang tuka,

Tulong ng mga pulitiko, asan na?

Tayo na at bumangon,

Ating sugpuin ang korapsyon.

Pulitika ma’y magpahirap sa atin,

Balang araw, kalayaan ay makakamtan natin.

No comments:

Post a Comment