Thursday 27 February 2014
Ian T. Masilungan IT2A Basketball
Ano ang basketball para sayo?
Ang basketball ay nagbibigay saya sa mga tao
Maging sa disiplina ay hinuhubog tayo
Bawat minuto, bawat segundo dapat planado
Maging kalmado upang matamo ang panalo
Sa larong ito wag mong pairalin ang init ng ulo
Sapagkat ito ang magiging sanhi ng iyong pagkatalo
Maaring mas mahusay sayo si kalbo at hindi mo matalo
Huwag na huwag kang magrereklamo
Sa halip ay mas lalong maging ganado
Pero minsan hindi mo kailangan na laging panalo
Basta’t nagsasaya ka ay sapat na ito
Nakatatak na ito sa puso ng bawat Pilipino
Pwedeng pwede mo itong gawing bisyo
Makakatulong din upang makalimutan mo ang mga problema mo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment