Tuesday 25 February 2014

Pangarap na Pag-ibig

Pangarap na Pag-ibig

Di ko alam kung ano ‘tong nararamdaman

‘Pagkat ako mismo ang naguguluhan

Itong nararamdaman ko para sa iyo.

Masaya ako sa tuwing nakikita ka,

Umaasa na sana’y makasama ka,

Ninanais ko sana’y makausap ka,

Ngunit ako’y natatameme pagnandyan ka.

Pinapangarap na lamang kita,

Pangarap na maging tayong dalawa

Imposibleng ito’y magkatotoo

Baon-baon ko ang lakas ng loob

Para ipahayag sa iyo ng marubdob

Di ko inaasahan magkakaganito

Isang pangarap na nagkatotoo.

Pag-ibig na nga ba ito,

Tila langit ka’t lupa ako

No comments:

Post a Comment