Thursday 27 February 2014

marquez

Mag-aral ay di- biro

Maghapong naka-upo

Gabi-gabi’y nagsusunog ng kilay

Upang may maisagot kinabukasan

Edukasyon ay pahalagahan

Susi sa magandang kinabukasan

Sabi ni nanay at tatay:

Ito ang pinakamahalagang pamana nila sa atin

Kaya mag-aral mabuti

Upang hindi mahuli

Sa agos ng oportunidad na darating

Paghihirap ng magulang wagbalewalain

Balang Araw ako, ikaw, tayo: Tutungtong sa entablado

Upang kunin ang gintong plaka

Balang Araw ako, ikaw, tayo: Lilisanin ang paaralang ito

Para harapin ang realidad ng buhay

At balang araw masasabi natin sa ating mga sarili:

“Ito ako produkto ng aking mga magulang, produkto ng

paaralang De La Salle Lipa at produkto ng aking sariling pagsisikap.”

No comments:

Post a Comment